!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Korapsyon, babantayan ng DILG sa panibagong road clearing ops
By Rey Ferrer - February 17, 2020 , 3:08 pm

Bukod sa layon na maibalik sa publiko ang mga kalsada, tututukan din ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang korapsyon kasabay ng pagpapatupad ng 2.0 road clearing operations.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, iimbestigahan nila ang mga barangay chairman na bigong maialis ang mga illegal vendors at illegal parking.

Paliwanag ni Año na posibleng nakikinabang ang isang barangay official tulad na lang na may natatanggap ito kaya tila bulagbulagan sa obstruction sa kalsada.

Iimbestigahan din ng DILG ang mga alkalde na aabuso sa kanilang kapangyarihan.

Posible kasing maging negatibo ang report sa kalaban na partido habang magiging maluwag naman sa kaalyadong barangay official ang mga alkalde.

YOU MIGHT ALSO LIKE