Lahat ng himpilan ng pulis sa buong bansa, may body camera na sa Marso
By Leo Sarne - February 26, 2021 , 6:18 pm

Target ng Philippine National Police (PNP) na maipamahagi sa Marso ang kanilang bagong deliver na mahigit 2,600 body cameras sa bawat himpilan ng pulis sa buong bansa.

Ito ang sinabi ni PNP Director for Logistics P/MGen. Angelito Casimiro sa isinagawang pagsasanay sa mga pulis sa paggamit ng mga body camera sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ngayong araw.

Ayon kay Casimiro, isinasapinal na rin nila ang mga kinakailangang protocols sa paggamit ng body camera ng mga pulis.

Aniya, ang bawat himpilan ng pulisya sa buong bansa ay tatanggap ng tig-16 na body camera kung saan, 8 sa mga ito ang siyang gagamitin ng mga nagpapatrolya, at 8 ay nakareserba para sa ibang operasyon.

Magugunitang ang pagbili ng body cameras ng PNP ay sinimulan noong panahon ni dating PNP Chief at ngayo’y Senador Ronald “Bato” dela Rosa upang mabura ang agam-agam ng publiko hinggil sa umano’y pang-aabuso ng mga pulis sa anti-drug operations nito.

YOU MIGHT ALSO LIKE