Lalaki arestado matapos mahulihan ng isang bloke ng marijuana
By Jesson Tamondong - February 23, 2021 , 8:59 am

Arestado ang isang lalaki sa Caloocan matapos mahulihan ng isang bloke ng marijuana sa isang checkpoint kagabi sa Phase 9, Langit Road corner Lacson Road, Bagong Silang, Caloocan City.

Nakilala ang suspek na si Roberto Roque Jr., 27 anyos na residente ng Quezon City at nag tatrabaho bilang tricycle driver.

Ayon sa mga pulis, nagsasagawa sila ng checkpoint operation sa lugar ng dumaan ang suspek at isang kasamahan nito sakay ng isang motor.

Imbis na huminto sa checkpoint ay sinubukan pang magpatakbo ng mabilis ng suspek, dahilan upang mahulog ang isang bloke ng hinihinalang marijuana sa mga ito.

Agad na inaresto si Roque habang kasalukuyan naman tinutugis ng kapulisan ang nakatakas na kasamahan nito.

Nagkakahalaga ang bloke ng marijuana ng P120,000.00

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Photo by Northern Police District

YOU MIGHT ALSO LIKE