Libreng sakay ng PNP, magpapatuloy hanggang Abril 11
By Leo Sarne - April 7, 2021 , 6:58 am

Tuloy tuloy ang pagbibigay ng Philippine National Police ng libreng sakay sa mga commuters sa NCR plus bubble hanggang sa pagtatapos ng enhanced community quarantine sa Abril 11.

Ito ang tiniyak ni NCRPO Director PMgen. Vicente Danao, kasabay ng pagsabi na mahigit 1,000 nilang mobile assets ang kanilang dineploy para supportahan ang libreng sakay ng PNP.

Ayon kay PNP Chief PGen. Debold Sinas, ang serbisyo para makatulong sa mga essential workers na makarating sa kani kanilang mga trabaho nang idineklara ang ECQ nitong Marso 29.

Bukod dito, namamahagi din aniya ang PNP sa mga pasahero ng libreng facemask, tubig at information materials.

Iniulat ni Sinas na mahigit 13,000 pasahero na ang kanilang naisakay sa pitong ruta mula nang simulan ang serbisyo.

Ang mga rutang ito ay EDSA-Crame patungong Meycauayan, Bulacan at San Jose del Monte City sa Hilaga ng Metro Manila; Zapote, Bacoor, Cavite sa Timog; at Rodriguez, Rizal, Antipolo City at Taytay, Rizal sa Silangan.

YOU MIGHT ALSO LIKE