!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Maayos na serbisyo-publiko ng QCPD, tiniyak na maipagpapatuloy 
By Tess Ramirez - August 14, 2019 , 9:51 am

Tiniyak ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) na maipagpapatuloy ang maayos nilang serbisyo-publiko, kahit nagawaran na ng parangal bilang ‘Best Police District”.

Ayon kay QCPD Director, Police Brigadier-General Joselito Esquivel, sa pagdaraos ng 118th NCRPO Police Service Anniversary sa araw na ito, kanilang ipinagpapasalamat na bukod sa pagiging ‘Best Police District”, natamo rin ang labing-apat pang Unit and Individual Awards, tulad ng “Highest Performance Rating”, “Most Number of Surrenderers”, at iba pa.

Makaaasa anya ang taumbayan at mga pinuno ng lokal na pamahalaan na patuloy silang magpupursige upang mapangalagaan ang katahimikan at kaayusan.

Patuloy rin anya silang magbibigay-karangalan sa lungsod Quezon bilang sukli sa suporta ng publiko.

YOU MIGHT ALSO LIKE