!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mahigit P250K na halaga ng shabu, nasabat sa magkakahiwalay na operasyon sa Muntinlupa City
By Hajji Kaamiño - January 22, 2020 , 9:37 am

Nasabat ng Muntinlupa City Police ang mahigit P250,000 na halaga ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa lungsod.

Unang naaresto ng mga awtoridad ang target na si Abdulsatar Abubakar alyas Jhong, na kumagat sa pakikipagtransaksyon ng poseur-buyer sa PNR site, Barangay Bayanan.

Bukod sa P500 buy-bust money, nakumpiska mula kay Jhong ang tinatayang anim na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng halos P41,000.

Nasa mahigit P176,000 na halaga o 26 gramo ng droga naman ang nasamsam mula kay Ruben Asuncion alyas Bentot, sa Barangay Tunasan.

Samantala, sa kaparehong barangay, ay natimbog ng mga operatiba si Jonathan Samar alyas Jojo, matapos mabilhan ng pinaniniwalaang shabu ng police asset.

Anim na gramo ng shabu na katumbas ng P40,000 na street value ang nasabat ng pulisya mula sa suspek.

Nakakulong na ang tatlong drug suspects sa custodial facility ng Muntinlupa City Police station.

YOU MIGHT ALSO LIKE