Makati PNP, LTO at LTFRB, nagsagawa ng operation vs bulok na jeeps
By Hajji Kaamiño - February 18, 2020 , 12:34 pm

Nagkasa ng joint operation ang mga tauhan ng Makati City Police, Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Highway Patrol Group (HPG) para inspeksyunin ang road worthiness ng mga jeepney na pumapasada sa lungsod.

Kasunod ito ng nangyaring aksidente sa Barangay Poblacion kamakailan, na ikinasawi ng isang grade 8 student, at ikinasugat ng pito pang mag-aaral, sangkot ang isang pampasaherong jeepney.

Ayon kay Makati City Police Chief Colonel Rogelio Simon, kabilang sa mga sinuyod ng mga awtoridad ngayong araw ay ang J.P Rizal Poblacion at Kalayaan Avenue sa Pasong Tamo.

Bawat dumaraang jeepney ay sinusuri ng mga tauhan para matiyak na wala itong violations, at ang mga nahuhuli ay binibigyan ng ticket habang ang mga sasakyan na hindi na dapat bumabiyahe sa kalsada ay mai-impound.

Katuwang ng mga ahensya sa operasyon ang Makati Anti-Drug Abuse Council, lalo’t nabatid na ang driver ng jeepney na nakapatay sa estudyante ay nagpositibo sa ilegal na droga.

Samantala, kinumpirma ng LTFRB, na nagpataw na ito ng preventive suspension laban sa operator ng naturang jeepney.

TINGNAN | Nagkasa ng joint operation ang Makati Police, LTO, LTFRB, at Highway Patrol Group laban sa mga bulok na…

Posted by Radyo Pilipinas on Monday, February 17, 2020

YOU MIGHT ALSO LIKE