!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Manhunt sa mga suspek sa pamamaril kay ex-Cong. Espino, ipinag-utos ng PNP Chief 
By Leo Sarne - September 12, 2019 , 7:10 am

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde sa Police Regional Office 1 ang pagsasagawa ng manhunt operations sa mga suspek sa pamamaril kay former Pangasinan 5th District Representative Amado Espino Jr.

Ang utos ng PNP chief ay kasabay ng pagkondena ng PNP sa pag-atake ng mga hindi pa kilalang indibidwal sa grupo ng dating congressman kahapon ng 4:30 ng hapon sa Magtaking, San Carlos City, Pangasinan.

Sa naturang pag-atake nagtamo ng tama si Espino sa kamay at tiyan, pero nasa ligtas nang kalagayan.

Sa inisyal na ulat, apat sa limang bodyguards ni Espino ang sugatan habang napatay ang isa.

Bago pumasok sa politika, si Espino ay naging dating Regional Director ng PRO 1.

Ayon kay PNP Spokesperson P/Brig. Gen.  Bernard Banac pinabibilisan ni Albayalde ang imbestigasyon para agarang maaresto ang mga suspek at mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

YOU MIGHT ALSO LIKE