Mga tauhan ng PNP na nakarekober sa COVID-19, lagpas 9,000 na
By Leo Sarne - January 14, 2021 , 7:36 am

9,008 na ang tauhan ng Philippine National Police na nakarekober mula sa COVID-19 mula sa kabuuang 9,381 sa kanilang hanay na nagpositibo sa virus.

Ito’y matapos na makapagtala ang PNP Health Service ng 27 recoveries at 49 na bagong kaso, alas-sais kagabi.

Pinakamarami sa mga bagong kaso ang mula sa National Operational Support Units na May 16 na kaso.

Siyam na bagong kaso naman ang iniulat sa NCRPO; tig-anim sa Police Regional Office (PRO) 1 at PRO 3; tig-tatlo sa National Administrative Support Units at PRO 7; dalawa sa PRO 12; at tig-isa sa National Headquarters, PRO 6, PRO 8 at PRO Cordillera.

Dahil sa mas maraming bagong kaso kaysa sa recoveries na iniulat kahapon, umakyat sa 345 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP mula sa 323 kamakalawa.

Nananatili naman sa 28 ang mga tauhan ng PNP na nasawi mula sa naturang sakit.

YOU MIGHT ALSO LIKE