!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Miyembro ng local terrorist group, sumuko sa militar sa Lanao del Sur
By Leo Sarne - September 12, 2019 , 10:49 am

Isang miyembro ng local terrorist group ang nagbalik loob sa pamahalaan.

Ayon sa Western Mindanao Command, sumuko ito kahapon sa tropa ng 49th Infantry Battalion, sa Barangay Poblacion Bayabao, Butig, Lanao del Sur.

Ang dating terorista ay kabilang sa grupo ng Local Terrorist Sub-leader Ali Amintao, na dati nang nakasagupa ng mga militar.

Kasabay nang pagsuko, isinuko rin ng dating rebelde ang isang Rocket-Propelled Grenade (RPG) at launcher nito.

Ikinatuwa naman ito ni Lt. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Western Mindanao Command, at sinabing sa pamamagitan nito ay umaasa siyang patuloy na hihina ang puwersa ng mga terorista sa lugar.

YOU MIGHT ALSO LIKE