Most wanted sa Inabanga Bohol, naaresto ng PNP-Anti Kidnapping Group
By Leo Sarne - January 14, 2021 , 6:11 pm

Naaresto ng Philippine National Police (PNP) Anti-Kidnapping Group Visayas Field unit (AKG-VFU), katuwang ang lokal na pulisya ang most wanted person sa Inabanga, Bohol kahapon.

Sa ulat ni AKG Director Police Brigadier General Jonnel C. Estomo kay PNP Chief Police General Debold Sinas, kinilala ang suspek na si Danilo Añosa na inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong rape.

Wanted is Añosa sa panggagahasa sa isang babaeng may deperensya sa pag-iisip, sa Brgy. U-og, Inabanga, Bohol, noong August 20, noong nakaraang taon.

Si Añosa ay nagtago matapos ang krimen, at ilang buwan din naiwasan ang mga awtoridad.

Sa isang intelligence operation, natunton ng AKG-VFU unit na pinamumunuan ni Police Colonel Salvador Alacyang ang lokasyon ng suspek, sa Brgy. Sua, Inabanga, Bohol, na naging daan para matagumpay na maisilbi ang warrant of arrest laban sa kanya.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Inabanga Municipal Police Station, para iharap sa korte sa pagsauli ng warrant.

YOU MIGHT ALSO LIKE
police
Ginang nahulihan ng iligal na droga sa Navoats
January 21, 2021