!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
NCRPO Dir. Eleazar, na-promote; BGen. Debold Sinas bagong NCRPO director
By Leo Sarne - October 11, 2019 , 7:01 am

Inanunsyo ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na promoted epektibo Oktubre 12 si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Maj. Gen. Guillermo Eleazar bilang bagong chief ng Directorial Staff na pang-apat na pinakamataas na posisyon sa PNP.

Kasabay nito sinabi ni Banac na papalit kay Eleazar bilang NCRPO director si Police Regional Office 7 Director Brig. Gen. Debold Sinas.

Pinalitan ni Eleazar si Lt. Gen. Camilo Cascolan, na iniangat sa pangatlong pinakamataas na pwesto sa PNP bilang Deputy Chief for Operations kapalit ni Lt. Gen Archie Gamboa.

Si Lt. Gen Archie Gamboa naman ang itinalaga sa pangalawang pinakamataas na pwesto ng PNP bilang Deputy Chief for Administration.

Ang rigodon sa pamunuan ng PNP ay bunsod ng pagreretiro ni Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Fernando Mendez.

YOU MIGHT ALSO LIKE