!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
NCRPO: Isang pulis nagpositibo sa COVID-19
By Michael Rogas - March 27, 2020 , 5:22 pm

Kinumpirma ng National Capital Region Police Office na isang pulis ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni NCRPO Chief Brigadier General Debold Sinas, na naka-isolate na ngayon sa isang hospital ang hindi pinangalanang pulis.

Hindi matiyak ni Sinas, kung papaanong nahawa ng coronavirus disease (COVID-19) ang nasabing pulis, pero ito daw ay naka-duty sa mga checkpoint nitong mga nakalipas na araw.

Maliban sa isang pulis na COVID-19 positive, nakapagtala din ang NCRPO ng 17 persons under investigation (PUIS) at 429 na persona under monitoring (PUMs).

Nasa quarantine area na ang mga pulis na PUI at PUM, kung saan nananatili na ang mga ito sa isang hotel.

YOU MIGHT ALSO LIKE