!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
NCRPO, magpapadala ng mga entertainer sa mga evacuee
By Leo Sarne - January 22, 2020 , 11:01 am

Bukod sa seguridad, magbibigay din ng aliw ang mga pulis sa mga biktima ng pagsabog ng Taal.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director PBgen. Debold Sinas, magpapadala sila ng mga pulis sa mga evacuation center sa Batangas, bukas para mag-entertain sa mga evacuee.

Kabilang sa mga ipapadala ay ang mga pulis na miyembro ng NCRPO dance team at NCRPO band.

Ayon kay Sinas, batid nila na sadyang mahirap ang kondisyon sa mga evacuation center, kaya kailangan din ng mga evacuee ng konting “stress-reliever.”

Kasabay ng pagpapadala ng mga enterainer na police, ipagkakaloob ng NCRPO ang tatlong milyong piso nilang nalikom.

Galing ito sa Combat duty pay ng mga pulis sa Metro Manila, na boluntaryo nilang ibinigay para sa mga biktima ng pag aalburuto ng bulkan taal.

YOU MIGHT ALSO LIKE