!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Opinyon ng Malacañang kay L/Col. Espenido, tinatanggap ng PNP Chief
By Leo Sarne - February 18, 2020 , 12:15 pm

Tinatanggap ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang opinyon ng Malacañang tungkol kay Lieutenant Colonel Jovie Espenido.

Ito ang sinabi ni Gamboa, kaugnay ng pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, na malaking bagay ang paghahayag ng suporta ng Palasyo kay Espenido matapos na mapabalitang kasama sa drug watchlist si Espenido.

Pero nanindigan parin si Gamboa, na hindi pangalanan ang mga pulis na kasama sa naturang listahan.

Magugunitang si Año ang nagkumpirma na kasama si Espenido sa 357 pulis na nasa sa drug watchlist, na pinatawag sa Camp Crame upang isailalim sa adjudication process.

Gayunman, nilinaw ni Año na kailangan munang dumaan sa validation ang nasabing listahan, dahil sa may katagalan na ito at posibleng hindi na “updated” ang listahan.

Una na ring sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo, na hindi pa rin naman makalulusot si Espenido sa mga kaso kahit pa sinabi ng Pangulo na buo pa rin ang tiwala niya rito, kung mapatutunayang sangkot nga ito sa ilegal na droga.

YOU MIGHT ALSO LIKE