!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
P15.4M, ipinamahagi sa informants sa high value terrorist targets
By Leo Sarne - January 22, 2020 , 9:56 am

Ipinamahagi ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong umaga ang P15.4M sa mga informant na nagbigay ng impormasyon na nagresulta sa pagkakanutralisa ng mga high value terrorist target.

Tinanggap ng mga informant ang kanilang pabuya mula kay AFP Chief of Staff General Filemon Santos at PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa sa isang simpleng seremonya sa Camp Aguinaldo ngayong umaga.

P7.4M ang patong sa ulo ng napatay na Abu Sayyaf leader at ISIS Emir sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon.

Si Hapilon ay napatay ng Philippine Army sa Marawi noong Oktubre 2017, kasama si Omar khayam Maute, ang leader ng Maute terrorist group na may patong na P5M sa kanyang ulo.

Tinanggap din ng mga informant ang tig P600,000 para sa pagakaka-nutralisa ng mga iba pang high value terrorist targets na sina Jumar Ibrahim alyas Jomar Labay, Mohammad Aklam Said alyas Maas; Bads Ajam alyas Pa Malod, Hadjid Isnani Malik alyas Mohammad Ismael, at Saddam Muhammad alyas Adam Mahamdon.

YOU MIGHT ALSO LIKE