P170K halaga ng shabu nasabat sa buy-bust sa Navotas, dalawang tulak timbog
By Jesson Tamondong - January 14, 2021 , 8:28 am

Aabot sa P170,000.00 ang halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga tauhan ng station drug enforcement unit ng Navotas City Police sa ikinasang buy-bust operation sa R10 Brgy. NBBN kaninang alas 2:55 madaling araw.

Kinilala ang mga nahuling suspek na sina Jaymar Marquez, 28 anyos at Sharmain Vergara, 26 anyos.

Ayon sa mga pulis agad na inaresto ang dalawa matapos magpositibo ang palitan ng pera at iligal na droga.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang ginamit na buy-bust money at anim na sachet ng hinihinalang shabu na amy bigat na 25 gramo.

Kakasuhan ang dalawa ng paglabag sa Republi Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Photo by Northern Police District

YOU MIGHT ALSO LIKE