!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pag-aresto sa top CPP official, malaking dagok sa mga komunista
By Leo Sarne - September 18, 2019 , 3:14 pm

Pinuri ni Southern Luzon Commander Lt. Gen. Gilbert Gapay ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na responsable sa pagkakaaresto kagabi ng mataas na lider komunistang si Antonia Setias Dizon alyas Tonet sa San Pedro, Laguna.

Ayon kay Gapay, ang pagkakaaresto kay Dizon na secretary ng National Organizing Division o NOD ng CPP-NPA-NDF ay malaking dagok sa kakayahan ng kilusang komunista na makapag-recruit ng mga bagong miyembro.

Sinabi ni Gapay na kaliwa’t-kanan na ang pagkalagas ng pwersa ng CPP-NPA-NDF sa kanilang liderato at mga miyembro.

Nito lang aniyang nagdaang linggo ay 65 CPP-NPA members ang nagbalik loob sa Bicol, at aabot na sa 600 ang regular na NPA at milisya ng bayan ang sumuko sa Southern Luzon sa taong ito.

Resulta aniya ito ng pinaigting na kooperasyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan at concerned groups sa direksyon ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Nagpasalamat din si Lt. Gen. Gapay sa lahat ng mga komunidad na tumalikod sa CPP-NPA at idineklara ang mga komunista bilang persona non grata.

Ang arestadong si Dizon ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pedro City Police Office.

YOU MIGHT ALSO LIKE