!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pag-donate ng combat pay ng mga pulis sa COVID-19 ops ng gobyerno, fake news 
By Leo Sarne - February 17, 2020 , 4:01 pm

Tahasang itinanggi ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa na ipinag-utos niya na i-donate ng mga pulis ang kanilang combat duty pay at combat incentive pay sa Corona Virus Disease-19 (COVID-19) operations ng pamahalaan.

Sa kanyang regular Monday press conference, tinawag ni Gamboa na fake news ang mga ulat na kumakalat sa social media na may panibagong bawas sa combat duty at incentive pay ang mga pulis para sa COVID-19 operations.

Sinabi ni Gamboa na totoong sinusuportahan ng PNP ang COVID-19 response operations.

Pero nilinaw niya na ang tinutukoy na donasyon mula sa combat duty at incentive pay na mapupunta sa COVID-19 operations ay yung balanse sa unang kinolekta noong Enero para sa mga biktima ng Taal.

Tiniyak ng PNP chief na buo at tuloy-tuloy ang combat duty at incentive pay na matatanggap ng mga Police personnel na naka-assign sa operating units.

Samantala, inatasan ni Gamboa ang PNP-Anti Cyber Crime Group na doblehin ang kanilang pagsisikap na ma-track ang mga nagkakalat ng fake news tungkol sa COVID-19.

YOU MIGHT ALSO LIKE