Pagbubunyag ng NICA na CPP-NPA front ang grupong “Courage” sinuportahan ng NTF-ELCAC
April 8, 2021 , 4:47 pm

Nagpahayag ng supporta ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa binunyag ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Paul Monteagudo na CPP-NPA front ang grupong “Courage”.

Sa isang statement, sinabi ni NTF-ELCAC Spokesperson Undersecretary Lorraine Marie Badoy na nagsisilbing mata at tenga sa gubyerno ng mga komunista ang naturang samahan ng mga kawani ng pamahalaan.

Ayon kay Badoy, nilikha ng CPP-NPA ang grupo para kunyari ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa pero ang totoong layunin nito ay ibagsak ang gubyerno mula sa loob.

Marami aniya sa mga miyembro ng grupo ang inosenteng na-recruit at walang kaalam alam na nagagimit sila para sa layunin ng terroristang grupo.

Kaugnay nito, sinuportahan ni Badoy ang panawagan na magkaroong ng Senate investigation sa naturang isyu.

Photo by Philippine News Agency

YOU MIGHT ALSO LIKE