Pagkakasabat ng ₱34-M halaga ng shabu sa Parañaque, bunga ng magandang kooperasyon ng PNP at PDEA — Eleazar
By Leo Sarne - October 11, 2021 , 2:22 pm

Pinapurihan ni Philippinr National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang pagkakasabat ng ₱34-milyong pisong halaga ng shabu sa Parañaque City nitong weekend.

Ayon sa PNP chief, patunay ito na nagbubunga na ng positibong resulta ang nilagdaang kasunduan sa pagitan ng PNP at PDEA para paigtingin ang kanilang kampaniya kontra iligal na droga.

Nangyari ang operasyon sa Sucat, Parañaque City kung saan ay naaresto ang suspek na kinilalang si Kenneth Vito Cruz na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Giit pa ni Eleazar, bagaman nakatutok ang mga pulis sa pagpapatupad ng minimum health standards ngayong panahon ng pandemiya ay hindi rin nila pinababayaan ang adhikaing linisin sa sumpa ng iligal na droga ang bansa

Patuloy ang panawagan ng PNP chief sa publiko na huwag magatubiling lumapit sa mga awtoridad sakaling mayruon silang hawak na impormasyon hinggil sa operayon ng iligal na droga sa kanilang lugar.

YOU MIGHT ALSO LIKE