!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pagpapatawag ng press con ni Espenido, maituturing na insubordination — Año 
By Armando Fenequito | RP1 Davao - February 21, 2020 , 2:03 pm

Maituturing na insubordination ang ginawang pagpapatawag ng press conference ni Police Lt. Col. Jovie Espenido hinggil sa kanyang pagkakasali sa drugs watch list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa isang panayam sa Davao City kagabi.

Paliwanag ni Año, hindi man ito, direkta, pero dapat sinunod pa rin ni Espenido ang utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Archie Francisco Gamboa para na rin sa kanyang kapakanan.

Ayon sa opisyal, kasama si Espenido sa 357 na police officials na naisama sa listahan. Napagkasunduan aniya na sumunod sa gag order noong panahong pinatawag sila para mag-report sa opisina ni Gamboa.

Dagdag ni Año, nasa PNP Chief na kung ano ang aksyon hinggil sa pagpapatawag ng press conference ni Espenido.

YOU MIGHT ALSO LIKE