Pagtaas ng krimen, inaasahan ng PNP kapag ibinaba sa MGCQ ang buong bansa
By Leo Sarne - February 23, 2021 , 1:19 pm

Inaasahan ng Philippine National Police (PNP) na tataas ang bilang ng mga petty crimes tulad ng snatching kapag ibinaba ang buong bansa sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, normal lang ito dahil mas marami sa mga kriminal at potensyal na biktima ang makakalabas sa mga lansangan.

Gayunpaman, sinabi ni Sinas na magsasagawa ang PNP ng kaukulang adjustments sa deployment ng mga pulis upang tugunan ito.

Base sa istatistika ng PNP, kapansin-pansin ang naging pagbaba ng lahat ng uri ng krimen sa panahon na ipinaiiral ang istriktong quarantine sa iba’t ibang panig ng bansa.

Tiniyak naman ni Sinas na anumang oras magdesisyon ang mga awtoridad na ipatupad ang MGCQ sa buong bansa, ay nakahanda na ang PNP.

Una na ring sinabi ng Pangulong Duterte na hindi siya payag na isailalim sa MGCQ ang buong bansa hangga’t hindi pa nasisimulan ang vaccination program ng pamahalaan.

YOU MIGHT ALSO LIKE