Illegal gambling paraphernalia, winasak
By Leo Sarne - February 18, 2020 , 12:24 pm

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Operations Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang pagwasak sa illegal gambling paraphernalia na nakumpiska ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group.

Nasa 19 na video karera at 36 na fruit game machine ang winasak sa IMEG Headquarters sa Camp Crame ngayong umaga.

Ayon kay PNP-IMEG Acting Director PCol. Ronald Lee, 13 video karera machine at 12 fruit games ang nakumpiska sa Muntinlupa City.  Apat na video karera machines ang nakumpiska sa Caloocan City.  At dalawang video karera at apat na fruit game machines naman ang nakumpiska sa Pasay City ng IMEG sa magkakasunod na operasyon mula January 30 hanggang February 2.

Matatandaan na ang operasyon din ng IMEG sa illegal gambling ang naging basehan sa nangyaring sibakan sa pwesto ng pitong Police Community Precinct commander at tatlong chief of Police sa naturang mga lungsod.

Ito’y matapos ipag-utos ni PNP Chief Police Gen. Archie Francsico ang pinalakas na kampanya kontra sa lahat ng uri ng iligal na sugal, kasama na ang pagsusugal sa lamay at peryahan at mga tupada sa mga barangay.

PANOORIN | Pagwasak ng mga illegal gambling paraphernalia, pinangunahan ni Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar. | via Leo Sarne

Posted by Radyo Pilipinas on Monday, February 17, 2020

YOU MIGHT ALSO LIKE