!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Palasyo, hihintaying matapos ang mga imbestigasyon sa ninja cops bago umaksyon si PRRD
By Racquel Bayan - October 11, 2019 , 9:02 am

Iginiit ng Palasyo na hihintayin muna nilang matapos ang mga ginagawang imbestigasyon sa ninja cops bago magkomento o umaksyon si Pangulong Rodrigo Duterte dito.

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kasunod ng pinakahuling rebelasyon sa senate inquiry kung saan sinabi ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Deputy Director for Operations Gen. Rudy Lacadin, na sinabi raw sa kanya noon ni General Oscar Albayalde na konti lang ang napunta sa kanya sa iniimbestigahan nilang illegal drug operation.

Ayon kay Panelo, una na ring pinabulaanan ni Albayalde ang alegasyong ito. Gayunpaman, wala aniyang papanigan ang Palasyo at hahayaan munang gumulong ang mga imbestigasyon ng senado kaugnay dito.

Hahayaan rin muna nilang imbestigahan ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG), at magkaroon ng findings at recommendations, bago umaksyon ang Pangulo.

Nang tanungin naman si Panelo kung mayroon bang sinabi o inutos si Pangulong Duterte kay Albayalde na magbitiw sa pwesto, sa kanyang pagkakaalam ay wala.

YOU MIGHT ALSO LIKE