!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Panawagan na buhayin ang Anti-Subversion Law, suportado ng PNP 
By Leo Sarne - August 14, 2019 , 8:10 am

Nagpahayag ng supporta si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde sa panawagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na buhayin ang anti-Subversion Law.

Ang batas ay na-repeal noong 1992 nang magkaroon ng peace negotiations sa pagitan ng mga komunista at ng administrasyon ng dating Pangulong Fidel Ramos.

Sinabi ni DILG Secretary Año na kung maibabalik ang Anti-Subversive Law, tiyak na mapapalakas nito ang inilabas na Executive Order 70 ni Pangulong Duterte na nagbubuo sa isang National Task Force para tapusin ang pakikibaka sa mga lokal na Komunista.

Bagamat suportado ni Albayalde ang mungkahi ni Año, sinabi ng PNP chief na kailangang magkaroon ng masusing pag-aaral kung magiging “productive” ang hakbang o magiging “disadvantageous” sa sitwasyon.

Ayon kay Albayade ang “activism” ay bahagi ng isang demokratikong lipunan, pero kung ito ay hahantong na sa “subversion”, o tangkang pabagsakin ang pamahalaan ay hindi na ito katanggap-tanggap.

Pero paliwanag ng PNP chief, kakaunti na lang din kasi ang NPA ngayon kaya nagdodoble kayod sila sa pagre-recruit ngayon ng mga estudyante, para lang maipakita na “buhay pa sila”.

YOU MIGHT ALSO LIKE