!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pangulong Duterte, nagtalaga ng bagong BuCor chief
By Racquel Bayan - September 18, 2019 , 9:12 am

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Gerald Bantag bilang bagong Director-General ng Bureau of Corrections (BuCor).

Si Bantag ay dati na ring nanilbihan bilang jail warden ng Manila at Parañaque City jail.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, professional competency at pagiging tapat ang naging basehan ng Pangulo sa pagtatalaga dito sa pwesto.

Sinabi ni Panelo na welcome sa Palasyo ang appointment na ito.

Kaisa aniya ng Pangulo ang Palasyo sa desisyon at tiwala nito kay Bantag, na ipagpapatuloy nito ang kampaniya ng administrasyon na labanan ang korupsyon at pagtutuloy ng reporma sa Bureau of Corrections (BuCor).

YOU MIGHT ALSO LIKE