Philippine Air Force magsasanay ng mga cyber warriors
By Leo Sarne - January 14, 2021 , 7:16 am

Sasanayin ng Philippine Air Force (PAF) ang kanilang mga “future” cyber warriors sa itatayong MVP Cybersecurity Center for Excellence sa Colonel Jesus Villamor Air Base, Pasay City.

Ito ang sinabi ni PAF Spokesperson Col. Aristides Galang matapos ilunsad ang proyekto kahapon, kung saan katuwang ng PAF ang PLDT-Smart.

Ang groundbreaking ceremony ay pinangunahan ni PAF Commanding General Lt. Gen. Allen T. Paredes at PLDT-SMART President and CEO Mr Manny V Pangilinan.

Ayon kay Galang, ang MVP Cybersecurity Center ay magpapalakas sa cyber defense capability ng PAF bilang pagsulong ng Air Force modernization program Flight Plan 2028.

Ang pasilidad ang magiging headquarters ng PAF Security Operations Center, Network Operations Center at “Cyber Range” training facility.

YOU MIGHT ALSO LIKE