!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
PNP Chief sa mga estudyanteng nahihikayat ng makakaliwang grupo: Magsumikap kayo
By Leo Sarne - August 14, 2019 , 11:00 am

Nanawagan si PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa mga estudyanteng nahihikayat na sumama sa mga makakaliwang grupo na “magsumikap kayo”.

Ayon sa PNP chief, ang aktibismo ay bahagi ng isang demokratikong lipunan pero, kung ito ay hahantong sa sedition o rebelyon ay hindi na ito tama.

Kung nais aniyang baguhin ng mga estudyante ang pamamalakad sa lipunan, maari naman nila itong gawin sa pamamagitan ng paghuhusay ng kanilang pag-aaral.

Sa gayon aniya ay may pagkakataon silang maging mga lider balang araw, at maari na nilang gawin sa ligal na pamamaraan ang lahat ng pagbabagong, sa tingin nila, ay makakabuti sa bansa.

Muling naging mainit na paksa ang pagre-recruit ng NPA sa mga estudyante sa pamamagitan ng kanilang front organizations, matapos na humarap ang 5 magulang sa Senado, upang idaing ang pagkawala ng kanilang mga anak na sumali sa mga makakaliwang organisasyon.

Ayon sa PNP chief, doble kayod ngayon ang NPA sa pagre-recruit ng mga estudyante dahil nalalagas na ang kanilang pwersa, at nais lang nilang ipamukha na buhay pa sila.

YOU MIGHT ALSO LIKE