!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
PNP Health Service, inatasan ng PNP Chief na makipag-coordinate  sa DOH sa posibleng pagkalat ng Coronavirus sa bansa
By Leo Sarne - January 22, 2020 , 6:23 pm

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Archie Francisco Gamboa si PNP Health Service Director P/Brig. Gen. John Luglug na makipag-coordinate sa Department of Health (DOH) tungkol sa posibleng pagkalat ng Coronavirus sa bansa.

Ito’y matapos na madiagnose na may sintomas ng Coronavirus infection ang isang 5-taong gulang na batang Chinese na dumating sa Cebu mula sa Wuhan, China noong Enero 12.

Ayon kay PNP Spokesperson P/Brig. Gen. Bernard Banac, inatasan din ni Gamboa ang ibang Regional directors na makipag-coordinate sa mga Regional Health Offices sa kani-kanilang mga lugar.

Ito’y upang malaman kung paano makakatulong ang PNP sa pagpigil ng pagkalat ng Coronavirus sa bansa, at sa pag-locate ng mga taong tutukuyin ng DOH na posibleng may dala ng sakit.

Tiniyak ni Banac na handa ang PNP na suportahan ang DOH sa pag-iwas sa isang public health hazard.

YOU MIGHT ALSO LIKE