!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
PNP-IMEG, sumuporta sa “no take” policy ni PNP Chief Gamboa
By Leo Sarne - February 18, 2020 , 10:10 am

Nagpahayag ng suporta ang Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) sa “no take” policy ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa.

Nanawagan si IMEG Director Police Colonel Ronald Lee sa publiko na isumbong sa IMEG ang mga pulis na sangkot sa iba’t ibang uri ng katiwalian.

Kabilang na dito ang ilegal na droga, ilegal na sugal, prostitusyon, at pangingikil sa kanilang mahuhuli sa operasyon.

Maaari aniyang tumawag sa mga numerong 0998-970-2286 at 0995-795-2569, para sa mga sumbong.

Samantala, kaninang 9 AM, nagsagawa ng ceremonial destruction sa IMEG compound sa Camp Crame ng mga video karera at fruit game machines, na nasamsam ng IMEG sa mga anti-gambling operations mula January 30 hanggang February 2.

PANOORIN | Panawagan ni PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) Director Police Col. Ronald Lee sa publiko na isumbong sa IMEG ang mga pulis na sangkot sa iba’t ibang uri ng katiwalian

PANOORIN | Panawagan ni PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) Director Police Col. Ronald Lee sa publiko na isumbong sa IMEG ang mga pulis na sangkot sa iba’t ibang uri ng katiwalian. | via Leo Sarne

Posted by Radyo Pilipinas on Monday, February 17, 2020

YOU MIGHT ALSO LIKE