!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
PNP, wala pang rekomendasyon sa susunod na PNP chief
By Leo Sarne - October 11, 2019 , 8:54 am

Wala pang rekomendasyong isinusumite ang Philippine National Police (PNP) para sa susunod na PNP chief.

Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson PBgen Bernard Banac, matapos unang i-anunsyo ang mga panibagong opisyal sa top posts ng PNP.

Nilinaw naman ni Banac, na sa kabila ng maagang pag-anunsyo sa kanilang mga promosyon, inihahanda pa lang ang designation orders ng mga bagong promote na opisyal.

Ito ay sina PMgen Guillermo Eleazar bilang Chief Directorial Staff, Lt. Gen. Camilo Cascolan bilang Deputy Chief for Operations, Lt. Gen. Archie Gamboa bilang Deputy Chief for Administration, habang si PBgen Debold Sinas naman ang papalit kay Eleazar sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Awtomatiko kasi aniyang umakyat ng pwesto ang mga naturang opisyal sa pagretiro ng pangalawang pinakamataas na opisyal ng PNP, na si dating Deputy Chief for Admin Lt. Gen. Fernando Mendez.

YOU MIGHT ALSO LIKE