!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
PRO-BARMM, nagpalabas ng rolling stores sa Lanao Del Sur
By Leo Sarne - April 1, 2020 , 4:50 pm

Nagpalabas ng kanilang sariling rolling stores ang Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM), para magbenta ng mga pangunahing bilihin sa Lanao Del Sur.

Ayon kay Police Captian Jemar Delos Santos, tagapagsalita ng PRO-BARMM, ito ang naisip nilang paraan para hindi na lumabas ang mga residente sa lugar sa ipinatutupad na social distancing, kaugnay sa umiiral na enhanced commnunity quarantine.

Ibinebenta sa mga rolling store ang bigas, sardinas, noodles, at 3-in-1 Coffee sa murang halaga.

Ikinatuwa naman ni Police Brigadier General Manuel Manalo Abu, Regional Director ng PRO BARMM, ang pakikiisa dito ng mga taga Lanao Del Sur.

Ayon kay Gen. Abu, ang ginagawa nilang rolling stores sa walong bayan sa Lanao Del Sur, ay bahagi ng kanilang pagsunod sa ipinatutupad na Bayanihan We Heal as One Act, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Lanao Del Sur.

YOU MIGHT ALSO LIKE