Task Force Balik-Loob, nanawagan sa mga empleyado ng gobyerno na manatiling tapat sa Konstitusyon
By Leo Sarne - April 8, 2021 , 4:51 pm

Nanawagan si Task Force Balik-Loob Chair Defense Undersecretary Reynaldo Mapagu sa mga empleyado ng gobyerno na manatiling tapat sa Konstitusyon at pangalagaan ang demokrasya ng bansa.

Ito’y sa gitna ng pagbubunyag ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Paul Monteagudo na na-infiltrate ng CPP-NPA ang pamahalaan.

Ayon kay Mapagu, ang pagbubunyag ng NICA ay kinumpirma din ng mga pahayag ng mga nagbalik loob na dating miyembro ng CPP-NPA.

Ang binulgar ni Monteagudo na front organization ng CPP-NPA ang grupong “Courage” na samahan ng mga empleado ng gubyerno, ay una naring sinuportahan ng National Task Force to end the Local Communist Armed Conflict ( NTF-ELCAC).

Sinabi ni Mapagu na nakikiisa ang TF-Balik loob sa NTF-ELCAC sa pagkondena sa paggamit ng CPP-NPA sa mga empleado ng gubyerno para isulong ang kanilang agenda.

Photo by PNA

YOU MIGHT ALSO LIKE