!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Wanted na lider komunista, naaresto sa Laguna
By Leo Sarne - September 18, 2019 , 10:42 am

Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng pulis at militar ang secretary ng National Organizing Department (NOD), CPP-NPA-NDF na si Antonia Setias Dizon alyas Tonet, dakong alas-11:30 kagabi, sa kanyang tahanan sa Block 2 Lot 12, Artemis St., Villa Olympia Village Phase 6, Brgy. Rosario, San Pedro City.

Si Dizon ang pumalit sa pwesto na iniwan ng mga arestadong NDF negotiators na sina Rafael Baylosis at Adelberto Silva.

Ang operasyon ay bahagi ng Oplan Manhunt Bravo, kung saan ipinatupad ang search at arrest warrant laban sa suspek ng mga tauhan ng Laguna PPO PIB, 1st Laguna PNP Mobile Force Company, San Pedro City Police Station, Regional Intelligence Division PRO4A; JTF-NCR; 202Bde & 2MIB ng 2ID at Civil Military Operations Regimen.

Ang arrest warrant laban kay Dizon ay inisyu ni Acting Executive Judge Lou Nueva ng RTC Branch 7, Bayugan City, Agusan del Sur sa kasong murder na may Criminal Case # 5965.

Sa pagpapatupad ng search warrant, narekober ng mga operatiba sa posesyon ng suspek ang 1 cal 380 pistol loaded with 7 live ammos; 48pcs of cal 380 live ammos; 10 pcs blasting caps and wirings at iba pang incendiary devices; 2 pcs cellular phones; 1 pc laptop; at mga subersibong dokumento.

Bukod sa kinakaharap na kasong murder, sasampahan din ang suspek ng kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9516, o illegal possession of firearms and explosives.

YOU MIGHT ALSO LIKE