!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
₱1M financial assistance ibinigay ng Taiwan, para sa mga biktima ng lindol sa Davao del Sur
By Sheila Lisondra - November 8, 2019 , 3:51 pm

Personal na iniabot ni Taiwan External Trade Development Council Chairperson James Huang ang P1 million na financial assistance kay Davao del Sur Governor Douglas Cagas.

Ang nasabing halaga ay para umano sa mga biktima ng tatlong malalakas na lindol at sunod-sunod na aftershocks sa Davao del Sur.

Ibinigay ang tulong pinansyal sa kasagsagan ng pormal na pagbubukas ng Taiwan Expo 2019 sa SMX Convention Center sa Lanang, lungsod ng Davao.

Maliban dito ay nagbigay rin ang Taiwan ng P400,000 para sa Davao City, at P300,000 naman para sa Manila Economic and Cultural Office (MECO).

YOU MIGHT ALSO LIKE