!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Magkapatid na dating kumandidato sa Taguig, sinampahan ng kaso
By Lorenz Tanjoco - February 18, 2020 , 9:52 am

Patong-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng magkapatid na Allan at Arnel Cerafica, pawang mga natalong kandidato sa pagka-mayor at congressman sa Taguig noong 2019 midterm elections.

Ang kaso ay isinampa ng mga Taguig taxpayer at miyembro ng Jeepney Operators and Drivers Associations (JODA), dahil sa serye ng “illegal assemblies, and public and tumultuous uprisings,” na naganap noong May 14 at 23, 2019.

Bukod sa kasong sedisyon, iba pang mga kasong kriminal kagaya ng inciting to sedition, illegal assemblies, public disorder, at violation of BP No. 880, ang isinampa laban sa magkapatid na Cerafica, sa Taguig City Prosecutor’s Office.

Ayon sa complainant, ang illegal assembly ay nangyari matapos lumabas ang resulta ng eleksyon, kung saan nanguna sina dating Senator Alan Peter Cayetano at Congressman and filmmaker Lino Cayetano ng malaking puntos kontra sa Cerafica brothers.

Parehong mga kaso rin ang isinampa laban kay Andre Polo alias Dre Guez Polo, Gloria Polo, Maria Luisa Roja, Oliver Dinco, Atty. Glenn Chong, Theresa Estanislao Reyes, Jheny Perey Orellana, Karen Mercado, Yolly Lacsaron, Daniel Galmarin, Baby Celso, alias Annie Marie, alias Ma. Fatima, alias Florinda at ilan pang mga John at Jane Does.

Dagdag pa ng mga complainant, ang magkapatid na Cerafica at ang kanilang grupo ay ilegal na pinagbawalan ang Taguig City officials na gampanan ang kanilang mga trabaho, nang magkaroon ng ilegal na pagtitipon sa mismong kahabaan ng Pedro Cayetano Boulevard, na isang public road, noong May 14.

Nagdulot rin ng pagsikip sa trapiko at pagparalisa sa daloy ng komersyo ang naganap na pagtitipon sa kahabaan naman ng C-5 noong May 23.

Pawang walang permit ang mga naturang kaganapan, na ikinainis ng mga na-stranded na residente.

Ayon pa sa reklamong isinampa, ang Cerafica brothers ay nagtawag umano ng pagkilos upang ipakita ang galit o “infliction of acts of hate” sa mga public officer, at meron pang mga binitawang mga libelous na salita laban sa gobyerno dahil sa dayaan sa 2019 elections.

YOU MIGHT ALSO LIKE