Alegasyon ng katiwalian sa Kongreso, LGUs at iba pang politiko, pasok sa pagsisiyasat na ipinag-utos ng Pangulo
By Racquel Bayan - October 27, 2020 , 4:38 pm

Kabilang ang mga alegasyon ng katiwalian sa hanay ng Kongreso, mga local government unit (LGU) at iba pang politiko sa mga sisiyasatin ng Department of Justice (DOJ). Alinsunod ito sa malawakang imbestigasyon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, laban sa korapsyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagamat mayroong immunity na tinatamasa ang mga elected member ng dalawang kapulungan ng Kongreso, hindi naman aniya pasok dito ang paglabag sa anti-graft laws.

Ayon sa kalihim, ang mandato ng DOJ na itinatakda ng batas ay imbestigahan ang lahat.

Ibig sabihin, kabilang rin dito ang mga mambabatas kahit pa may separation of powers ang Ehekutibo at Lehislatura.

“Alam niyo po ang mandato po ng DOJ, sang ayon sa batas na nabuo ng National Prosecutors Office is to investigate everyone. Pero meron din po tayong mga immunities na ineenjoy ang ating mga elected members of Congress and the Senate pero it is not for violating anti-graft laws.” —Secretary Roque.

Bukod dito, wala rin naman aniyang hiwalay na ahensya ng pamahalaan na partikular na nag-iimbestiga sa alegasyon ng korapsyon sa Kongreso, kaya kapangyarihan talaga ng Ehekutibo na ipatupad ang batas para sa lahat.

“Kasama po ang lahat ng mga public officers despite the separation of powers dahil wala naman pong seperate na ahensya na nag-iinvestigate ng korapsyon sa Kongrespo mismo. ‘Yan po ay kapangyarihan mismo ng ehekutibo, to implement all laws kahit sino pa man sila.” —Secretary Roque.

YOU MIGHT ALSO LIKE