Baguio solon, nanawagan para sa agarang resolusyon sa isyu ng BENECO
By Kathleen Forbes - October 21, 2021 , 7:17 pm

Umaapela si Baguio Representative Mark Go na agarang maresolba ang leadership issue sa Benguet Electric Cooperative (BENECO).

Kasunod na rin ito ng protesta ng BENECO employees dahil sa pagtatalaga ng bagong pinuno ng electric cooperative.

Panawagan ni Go sa National Electrification Administration (NEA) Board at Department of Energy (DOE), na upuan at ayusin ang sigalot lalo at ang mga consumer ng BENECO ang maaapektuhan ng isyu.

Wala din aniyang hindi pagkakaunawaan na hindi maaayos kung kapwa magkikinig ang magkabilang panig sa isa’t isa.

Paalala naman ng kinatawan, na salig sa NEA Memorandum 2017-035, ang pagpili ng general manager ng isang electric cooperative ay nasa kamay ng Board of Directors ng Electric Cooperative at hindi ng NEA.

YOU MIGHT ALSO LIKE
politics
Go seeks Divine Providence on his presidential bid, vows to continue giving genuine service
November 27, 2021