!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Buffer stock ng bansa sa pagkain, kayang umabot ng halos 3 buwan
By Alvin Baltazar - April 1, 2020 , 5:50 pm

Kayang abutin ng hanggang mahigit sa dalawang buwan ang suplay ng pagkain sa bansa.

Ito ang tiniyak ni Inter-Agency Task Force (IATF) Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles sa harap ng katiyakang may sapat na buffer stock ng pagkain ang bansa na kayang tumagal ng 75 araw.

Ayon kay Nograles, tuloy-tuloy lang ang pagdating ng suplay ng pagkain gaya ng manok, baboy at gulay habang tiyak ding hindi magkukulang sa suplay ng bigas sa mga susunod na araw.

Ito’y dahil na rin sa nakatakdang pag-angkat natin ng 300,000 metriko toneladang bigas sa ibang bansa.

Samantala, bubuksan ng IATF sa Department of Trade and Industry (DTI) ang posibilidad na mas humaba pa ang store hours ng mga supermarket upang mula dito ay maiwasan ang pagsisiksikan at pagdagsa ng mga mamimili.

YOU MIGHT ALSO LIKE