Caloocan Rep. Erice, nagpositibo sa COVID-19
By Kathleen Jean Forbes - April 5, 2021 , 9:04 am

Isa pang mambabatas ang tinamaan ng COVID-19.

Sa pamamgitan ng social media post ay inanunsyo ni Caloocan Rep. Egay Erice na nagpositibo siya sa virus.

Aniya, matapos ang walong araw na quarantine ay nakuha nito ang kanyang resulta kung saan positive siya sa COVID-19.

Nakakaranas aniya siya ng mild symptoms pero hindi naman dapat maging dahilan ng pagkaalarma.

Bunsod nito ay pansamantala rin munang isasara ang kanyang tanggapan dahil sa mga staff na tinamaan din ng sakit.

Photo by Rep. Egay Erice FB page

YOU MIGHT ALSO LIKE