COMELEC, tiniyak na lahat ng nagsumite ng COC noong isang linggo ay pwede pang umatras
By Lorenz Tanjoco - October 14, 2021 , 9:10 pm

Sinabi ng Commission on Elections na anumang oras ay maaring bawiin ng mga naghain ng Certificate of Candidacy ang kanilang kandidatura bago ang election day.

Ito ang nilinaw ng Comelec kasabay ng pagkumpirma na natanggap na nila ang Statement of Withdrawal ni dating vice president at broadcaster Noli de Castro sa pagka-senador.

Dagdag ng Comelec na lahat ng Statement of Withdrawal para sa national position na natanggap ng Law Department ay dapat nakasunod sa Comelec rules and regulations at ito ay isusumite pa rin sa Commission En Banc para sa resolusyon.

Alinsunod sa Section 39 ng Resolution No. 10717, ang mga aspirants at dapat personal na maghain ng sinumpaang Statement of Withdrawal sa opisina kung saan ito naghain ng kanyang COC.

YOU MIGHT ALSO LIKE