Dating Senate President Juan Ponce Enrile, tinawag na fabricated ang UP-DND Accord
By Michael Rogas - January 19, 2021 , 4:29 pm

Itinanggi ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na mayroon siyang pinirmahang kasunduan sa University of the Philippines (UP), noong siya ang kalihim ng Department of National Defense (DND) sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa kanyang Facebook Page sinabi ni Enrile, na wala siyang pinirmahan na ano mang kasunduan sa UP, para pagbawalan ang mga pulis at sundalo na pumasok sa lahat ng campuses nito.

Kung mayroon daw kasunduan ang UP-DND na mag-uugnay sa kanya, ay isa daw itong fabricated agreement at kailan man ay wala itong bisa.

Kahapon pinawalang bisa ni Secretary Delfin Lorenzana ng Defense Department, ang Soto-Enrile Agreement, matapos madiskubreng nagiging recruitment ng CPP-NPA ang UP Campuses.

Sabi ni Lorenzana, hindi na academic freedom ang ginagawa ng mga militanteng estudyante sa UP, kung hindi ginagamit na ito bilang panghihikayat na sumama sa komunista.

YOU MIGHT ALSO LIKE