Davao City Mayor Sara Duterte, nais ipatanggal ang mga tarpaulin ng “run, Sara, run”
By Macel Mamon-Dasalla - February 23, 2021 , 8:32 pm

Nais ipatanggal ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang mga ikinabit na tarpaulin at billboards ng “Run, Sara, Run” sa Davao City, dahil hindi umano ito dumaan sa tamang proseso.

Sa programa ng alkalde ang Special Hour with the Mayor sa Davao City Disaster Radio, nilinaw nito na hindi dumaan sa legal na proseso ang pagkabit ng mga tarpaulin at billboards.

Aniya, may mga regulasyon ang lokal na pamahalaan kung saan kailangang magbayad sa gobyerno ang sino mang magkabit ng mga tarpaulin o billboards sa pampublikong lugar.

Muling iginiit ng alkalde, na walang pagbabago sa kanyang ginawang pahayag noon na hindi ito tatakbo bilang susunod na Pangulo ng bansa.

YOU MIGHT ALSO LIKE