!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
DILG Sec. Año, umapela sa mga nakasalamuha na mag-self quarantine na rin
By Rey Ferrer - April 1, 2020 , 8:58 am

Nanawagan na rin si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa lahat ng taong kanyang nakasalamuha na sumailalim sa self-quarantine.

Naglabas ng statement ang kalihim matapos kumpirmahin sa kanya ng RITM na nagpositibo siya sa coronavirus disease o COVID-19.

Sinabi ng kalihim na pinasimulan na niya ang 14-day self quarantine mula nang makasalamuha noong March 26 ang apat na personalidad na positibo sa virus.

Nagpasuri siya noong March 27 at lumabas ang resulta kahapon, March 31.

Sa kabila nito, sinabi ni Año na nasa maayos siyang kalagayan at wala siyang naramdamang anumang sintomas.

Pagtiyak pa nito na kahit nasa bahay ay tuloy ang kanyang trabaho at hindi raw magiging hadlang ito para gampanan ang kanyang tungkulin.

Muling nagpaalala ang kalihim sa lahat na manatili sa bahay at sundin ang social distancing, dahil ito lamang ang paraan para matigil ang pagkalat ng virus.

YOU MIGHT ALSO LIKE