DILG,nagbabala sa mga election candidates na huwag magbigay ng “permit to campaign” sa CPP-NPA-NDF
By Rey Ferrer - October 13, 2021 , 9:00 am

Binalaan ng Department of the Interior and Local Government ang lahat ng kandidato sa 2022 national at local elections na huwag magbigay ng “permit to campaign fees” sa CPP-NPA-NDF.

Nagbanta ang DILG na hihilingìn nito ang kanilang disqualification kahit nakapag sumite na ng kanilang certificate of candidacy.
 
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang modus operandi ng kumunistang grupo ay malinaw na paraan ng pangingikil at pagdumi sa kabanalan ng karapatang maghalal.

Sa inilabas na direktiba, inatasan ni Año ang mga local government units at ang Philippine National Police na tiyakin ang pagpasok ng lahat ng kandidato sa bawat LGU.

Pinagagarantiyahan din nito ang peace and order sa lahat ng lugar partikukar sa mga itinuturing na insurgency hotspots.

YOU MIGHT ALSO LIKE