DOJ, may panawagan sa gov’t employees, matapos atasan ni PRRD na imbestigahan ang korapsyon sa pamahalaan
By Lorenz Francis Tanjoco - October 27, 2020 , 11:54 am

Naniniwala si Justice Secretary Menardo Guevarra na malaki ang maitutulong ng mga government employees na may nalalaman na korapsyon sa kanilang ahensya, kung makikipagtulungan ang mga ito sa Department of Justice (DOJ).

Matapos kasing atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DOJ na imbestigahan ang korapsyon sa lahat ng ahensya ng pamahalaan ay magiging mabigat para sa ahensya ang bagong responsibilidad na ito kasabay ng kanilang mandato.

Dahil dito ay sinbi ni Guevarra na kakailanganin niya ang lahat ng suporta at kooperasyon ng pamahalaan para maisakatuparan ang layunin laban sa korapsyon sa gobyerno.

Bunsod naman ng lawak aniya ng sakop ng nasabing kampanya ay tututukan ng kalihim ang organizational set up at mga mekanismo na magtutuloy sa direktiba ng Pangulo hanggang sa dulo ng termino nito.

Umaasa ang kalihim na maituturo ng mga empleyadong lalapit sa kanilang tanggapan ang mga sangkot sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.

YOU MIGHT ALSO LIKE