Grupo ng kabataan, hirit sa Korte Suprema na ipawalang-bisa ang proklamasyon ng Duterte Youth Partylist
By Julius Gonzales - October 27, 2020 , 11:17 pm

Grupo ng kabataan, hirit sa Korte Suprema na ipawalang-bisa ang proklamasyon ng Duterte Youth Partylist

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang grupo ng kabataan upang ihirit na ipawalang-bisa ang proklamasyon ng Duterte Youth Partylist.

Hirit ng grupo na ideklarang iligal at unconstitutional ang naging proklamasyon ng COMELEC sa naturang grupo sa kongreso.

Ang grupong Youth Act Now Against Tyranny, ay naghain ng Petition for Certiorari at humirit ng Status Quo Ante Order at Preliminary Injunction, para ibasura ang Comelec Resolution  na nag-proklama sa 1st Nominee ng Duterte Youth na si Ducielle Cardema na asawa ng original nominee na si Ronald Cardema.

Kinuwestyon ng grupo ang pag-apruba ng Comelec sa substitution ng 34-anyos na si Cardema, kahit pa dapat sana ay hindi lalagpas sa 30-years-old ang edad ng mga kinatawan ng kabataan sa araw ng eleksyon.

Giit pa ng petitioners na mali ang pagpayag at umabuso umano sa kapangyarihan ang Comelec ng palitan ng misis ni Ronald Cardema  na si Ducielle  Cardema, ang nominee ng Duterte Youth, tatlong taon makalipas ang deadline.

Tumatayong petitioners sina Annel Ross Angcos, Raainah Punzalan, Reeya Magtalas, Raoul Manuel at Abigail Tan. Samantalang tumatayo namang respondents ang Comelec at mag-asawang Ronald at Ducielle Cardema.

YOU MIGHT ALSO LIKE