Herd immunity, dapat maisakatuparan bago ang 2022 elections
By Kathleen Forbes - January 13, 2021 , 4:56 pm

Dapat maisakatuparan ang herd immunity ng mga Pilipino sa COVID-19 vaccine pagsapit ng April 2022.

Paliwanag ni BHW Partylist Representative Angelica Natasha Co, mainam na mabakunahan na ang lahat ng Pilipino isang buwan bago ang nakatakdang 2022 national elections at local elections sa May.

Ito ay upang makaboto ang lahat ng gusto bumoto sa mga presinto ng walang alinlangan, na magkakahawaan dahil sa COVID-19.

Hindi naman aniya dapat lalagpas sa huling quarter ng taong ito ang dapat na target, para mabakunahan ang mga estudyante sa kolehiyo at senior high school, upang makabalik na sa kani-kanilang campus.

Para naman sa mga manggagawa at self-employed, mainam kung mababakunahan ang naturang sektor bago mag June, upang agad ding makabangon at sumigla ang ekonomiya ng bansa.

Kailangan naman aniyang hintayin pa ang COVID-19 vaccine, na maaaring gamitin para sa mga kabataan.

Sa ngayon, ayon kay Co 15 taong gulang pa lamang ang pinakabatang maaaring bakunahan batay sa recommended age ng bakuna mula Moderna.

YOU MIGHT ALSO LIKE