House Committee on Health Chair, isa sa unang nabakunahan vs. COVID-19
By Kathleen Forbes - March 2, 2021 , 6:00 pm

Hinikayat ni House Committee on Health Chair at Quezon Representative Angelina “Helen” Tan, ang publiko na alisin na ang pangamba hinggil sa bakuna kontra COVID-19.

Kasabay ito ng pagtanggap ng kinatawan ng Sinovac vaccine, sa pag-roll out ng vaccination program kahapon sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Kabilang si Tan sa dependent ng kanyang doktor na anak na nagtatrabaho sa naturang ospital.

Diin ng mambabatas, walang dapat ikatakot ang publiko sa pagpapabakuna at sa halip ay dapat isipin, na paraan ito bilang proteksyon mula sa nakamamatay na sakit.

Nanawagan din ang kinatawan sa mga Pilipino na suportahan ang vaccination program ng pamahalaan, upang tuluyan nang malagpasan ng bansa ang pandemiya.

YOU MIGHT ALSO LIKE